Naiinis ako kasi 1 point na lang. 1 point away na lang ako para pumasa sa Cisco na yan. Napagkait pa saakin. Sakit lang. Lagi na lang ako yun bagsak. Ganun naman lagi. Feeling ko hindi applicable saakin yun "I did my best" kasi kahit anong gawin ko parang wala akong ineexert na effort. Hindi nawala faith ko kay God, mahal ko pa din Siya kahit ano man yung nangyari. Nawala faith ko sa sarili ko. Parang wala na talaga eh. Ano ba nangyayari saakin? Nag-aral ako, minemorize ko lahat, bakit ganun pa din? Bakit yun mga kaklase ko, nag-aral sila, pumasa naman sila. Bakit ako hindi? Ako na lang ba lagi mapag-iiwanan? Sakit eh. Nakakawala ng dignidad. Feeling mo wala nang tiwala sayo mga tao kasi lumalabas ang tanga mo sa lahat ng bagay. Alam ko unfair ang buhay, pero bakit saken every sem lagi na lang unfair? Never akong nandaya! Bakit yun mga nandaya, pasado na agad? Ni hindi nagremovals? Bakit ganon? Ako pinaghirapan ko tapos eto pa napala ko? Madidisappoint nanaman magulang ko? Oo, hindi na sila nagsasalita pero alam ko naiinis na sila saakin. Di na nga nangyari yun kinatatakutan ko, pero sarili ko mismo naiinis na.
Delayed.
Naiirita ako sa mga nagpopost ng grad pic nila kahit next year pa tlaga graduation ng batch namin.
Ngayon pa lang naiinggit na ko.
Oo, tamad ako, inaamin ko yon. Pero hindi naman ako nagkulang. Alam ko pa din priorities ko. Pero bakit ganito?
Ayoko na.
Gusto ko na lang maggive-up.
Ang sakit-sakit na.
Para akong natalo sa isang basketball game. 1 point ang lamang ng kalaban. At ako dapat ang last shot, pero hindi ko nashoot sa last 2 seconds ng game. Very heartbreaking.
Eto ata yun pangalawang phase sa buhay ko na sobrang nasasaktan ako. The first one broke me, but it made me stronger. Alam kong malalampasan ko to, pero sana matapos na. Ang sakit-sakit na kasi eh.
2nd year high school. 3rd year college. When's the next one? :(
No comments:
Post a Comment