I think 2nd yr 2nd sem nangyari to eh. 42 weeks ago na yun pic na napost ko sa IG. Pero naalala ko pa yun mga nangyari.
Nagkayayaan umattend ng Agape, okay lang naman saken kasi late din naman ako nakakauwi so walang problema magstay. Alam ko may CS102 nun. Yun lang class ko for the day. Pero sila, hanggang 3 lang ata class nun. Ako eh 4. So nagtext sila saakin na magsabi na lang ako kapag tapos na class ko kasi pupunta sila sa bahay ni D.
Niyaya ko rin nun si M(hs friend) para sumama samen kasi napansin ko na ako lang babae. Absent kasi si V nun. Eh siya madalas kong ksma.
After class ko eh nagkita na kami ni M tska ni P. Maaga pa naman kasi nun. Sasama pa nga sana si P kaso hindi ata siya pinayagan. Alam ata na hinihintay ko sila J nun kasi magkatext kami nun. Anyway. Nung uuwi na si P eh nagpahatid sya sa España. Dun kasi sakayan pauwi. Wag nyo ng tanungin kung inaasar nila ako abt kay J kasi hindi na yon mawawala okay? :)
Nung pabalik na kami ni M, sa may gilid na ng qpav. Tumatawag si J. Hinahanap nya na ako at sinasabi pang nagunli pa daw sya para lang matawagan ako. Ang sinabi ko lang ata nun eh grabe naman. Hahaha. Ano ba dapat ireact ko? :))
Nung nasa may greenwich na ata ako nun. Btw, sila J eh nasa tapat ng kfc or yun katabi pa nun na ice monster ba yun. Basta. Haha. Ayun. Tumawag ulit siya at tinatanong kung nasaan na kmi at antagal daw namin. Wow. Parang 5 mins pa lang ata nakalipas nun. So nagmadali na kmi ni M kasi ang hari nagmamadali na.
Pagdating naman namin dun eh naupo lang naman kami kasi si educ friend ni JSM eh andun at umiiyak ata. Kaya kami nasa may kabilang side lang. Kami ni M nakaupo tapos si JB eh nakatayo sa harap ko. Guard yun eh. Joke haha. Anyway. Ang pinaguusapan namin nun eh tungkol doon sa friendship rings. Rememer guys? Tas suot nya pa yun watch nya nun kaya doon napansin ni M yun. :)
Nung lalakad na papuntang field, kasabay ko maglakad eh si M at J. At parehas lang silang tahimik kaya ayun wala akong kausap. Hahaha.
Pagdating sa field eh tumayo muna ata kami nun tapos nagkwentuhan lang lahat. Alam kong kasama nun eh si RA, JSM at siya(JB). Tapos kami na ni M. Nung magstart na yun mass pumunta na kami sa may gitna ng field at naghanap ng pwesto. Buti may mabait dun at binigyan kami ng Varsitarian para maupuan. Bait nga nila nun eh sila lang nag-ayos nung uupuan. Hahaha! Yung unang pwesto, nasa pinakadulo si JB tapos si RA then si JSM tas ako at si M. Oo hindi pa kami magkatabi.
Pero something unexpected happened. Di ko alam kung bakit pinatayo nun eh. Prayer ata or something. Basta nung pag-upo eh nasa gitna na namin siya ni JSM. Bigla na lang sya napunta dun. At tinignan lang ako ni M. Hahaha.
At mass nga dba? May Ama Namin. Ano nga ba ginagawa dun? Hawak kamay ba? Hahaha. Oo na. Naranasan ko na yun mahawakan yun kamay ng gusto mo katulad nung mga nababasa ko sa wattpad. At sakanya pa. Haha.
Anyway. After nung mass dumiretso na kmi sa tapat ng eng kasi andun yun free lechon ba yun? Basta free food. Haha. Tapos si M pala eh andyan na yun sundo so maiiwan na ko mag-isa :(
Una eh nagstay muna kami sa tapat ng qpav. Naupo muna ko tapos tumabi sya. K. Alam ko may picture nun eh. Camera nya ata. Hindi ko na maalala. Basta yun. Tas kung nananadya nga naman oh, umalis si JSM at RA nun, ksma pala namin si Balbs nun. So naiwan kaming dalawa. Awkward!!! Shet. Haha. Doon yun time na nakitawag ako sakanya. Diba nga nagunli sya. Dahil pasaway phone ko. Ayaw tumuloy nung call.
Nung papunta na kami sa pila. Hindi ko alam na tinatawagan na pala ako ni papa. Sorry manhid. Haha. So siya yun tinawagan. At syempre sinagot nya!!!! Ughh okay patay ako kay papa. Hahaha.
Habang nasa pila naman eh walang nangyari nun. Usap usap nalang. Hndi nga ako nakakuha ng food kasi tinawag na rin ako ni papa :( aww. Pictures lang tuloy nakuha ko. Haha.
Ayon that ends my day. :)
P.S. Okay sa mga nagsimula mula sa unang post ko, naaalala nyo yun "Awkward talk with thy Parents"? Yun part na tinanong ni papa kung sino yun natawagan nya? eto tinutukoy nya. Ayan alam nyo na. Hahaha :)
No comments:
Post a Comment