Tuesday, October 15, 2013

I'm tired

Disappointed ako sa sarili ko. Disappointed sila saakin. Okay na ko kagabi. But I guess, this is reality. Hindi pa din ako kinakausap ni mama. Parang tanga ako dito sa bahay. I felt like I'm alone inside this new world. Fck this. Everything's falling apart. And I can't do anything to stop it. 



I felt like an ugly duckling living with swans. 



Lord, bakit po? Bakit ako? Ginawa ko naman po lahat eh. Nahihirapan na po akong umiyak na lang lagi. Pero mas nahihirapan akong pigilan. Matatapos pa ba to? Araw-araw na lang ba may madadagdag na problema? Alam ko pong andyan mga kaibigan ko. Nakakalimutan ko lahat kapag nakausap ko sila. Pero kapag wala na, naiisip ko na lang, oo napasaya nila ko, napatigil nila ako sa pag-iyak pero bumalik ba lahat sa dati? Hindi eh. Andito ako sa loob ng kwarto ko kapag kausap ko sila. Pero paglabas ko, wala. Ayan. Sinasampal ako ni reality. Reality na galit pa rin saakin magulang ko. At ayan nanaman. Iiyak nanaman ako. Wala na bang ibang script dyan na pwdeng nyo pong ibigay saakin? Sorry po ha. Weak kasi talaga ako. Ayoko ng problema. Gusto ko masaya lagi. Gusto ko masaya ako tsaka yun mga tao sa paligid ko. Pero bakit ganito po? Nagbibigay pa ako ng problema sa sarili ko at nadadala ko sa mga kasama ko? Ginawa ko naman po lahat eh. Inaamin ko minsan gusto ko na lang takasan lahat to, na tipong paggising ko wala na. Pero posible nga ba yon? Wala naman ako sa fairytale para mangyari yon eh. Napapagod na mata ko, nahihirapan na kong magpanggap na ayos lang ako.. Pero ang hirap.. Gusto kong umalis. Pero alam ko sa sarili ko na katangahan yun.. Hindi ganun ang ginagawa ng taong matino. At ayoko.. Dahil alam kong madadagdagan pa problema nila. 


Alam kong wala akong dapat sisihin kundi sarili ko. Pero anong magagawa ko? Ngayon lang to nangyari. Namimiss ko na si mama. Hindi ako sanay ng hindi sya nakakausap. Parang ayaw nyang dumikit saakin. Pasensya na ma, hindi matalino anak mo eh.. Akala mo lang siguro. Napakatamad pa. Sana hindi ka pa nagsisisi na ako naging anak mo.. Haha. Nakakahiya nga naman. Wala kang maipagmalaking tungkol saakin kundi nakagraduate na ko ng highschool, nag-aaral sa ust, na hndi ko pa malaman kung bakit ako pumasa. Hindi naman ako deserving. Nasasayang lang pinangeenrol saakin. But I guess. Lesson learned. Andyan na eh. Ano pang magagawa ko. 




I was never good enough. 
I thought I was the good daughter. 
But now.. I felt like the daughter who shouldn't have been. 
Curse this. 




P.S. Pasensya sa mga nakabasa. Sorry. Nandamay nanaman ako. Sorry tlaga. Sana maintindihan nyo. 




1 comment:

  1. Everything will be okay.. maybe not now but eventually. :D Andito naman kami kapag nahirapan ka e. Kita mo nga sinamahan ka namin sa CS101L. Hahahha :D >:D<

    ReplyDelete