Saturday ata yun. 6 pm uwi namin. And sa lab 2 yun last class namin. Tapos sila 37 eh yun next class after samin. Kaya nag-abot kami sa labas ng room.
Pinaguusapan namin eh yun buhok nya kasi nakababa non. Ganun na ganun yun itsura nya nung bday ko. Kasi dba bagong ligo nun tapos walang tulog kaya hindi nya na naayos. Dun ko napansin na bagay sakanya yun. :) pero ngayon lahat naman ata bagay na. LOL!!!!!
Sabi nung isang kaibigan ko sknya eh mas bagay sakanya yun nakataas yun buhok kasi naisip pala nya nun eh yun nasabi ko din dati na bagay sakanya yun nakataas.
Hndi ko na maalala kung sumagot si J pero ako eto hindi napigilan. May nasabi nanaman.
"Matagal ko nang sinasabi sayo na mas bagay eh."
Tas ayun na wala na kong maalala kung may sinabi pa sya kasi parang nagsarado utak ko. Nagrereplay yun sinabi ko!!
Pasaway pa yun mga kaibigan ko. Iba pala naisip nilang katuloy nung line ko.
"Matagal ko nang sinasabi sayo na mas bagay eh.....
BAGAY TAYONG DALAWA."
Pero imbis na mainis ako, napapasmile pa ko. Kakaiba ka talaga oh! Kayang-kaya mong bumalik! Haha.
No comments:
Post a Comment